PBBM sa US gov’t: Salamat sa Mindanao aid

By Jan Escosio February 14, 2024 - 09:32 AM

PCO PHOTO

Labis ang pasasalamat ni Pangulong Marcos Jr., sa gobyerno ng Amerika sa ipinadalang tulong sa mga lubhang naapektuhan ng mga pagbaha at landslide sa Mindanao.

Ipinaabot ni Marcos ang pasasalamat nang bumisita kahapon sa Malakanyang si  US Ambassador to the Philippines Marykay Loss Carlson.

Sa tugon naman ni Carlson, tiniyak niya ang kahandaan ng US na tumulong sa Pilipinas.

Nabatid na dalawang C-130 transport planes ng Indo-Pacific Command ang nagdala ng mga tulong sa Mindanao, bukod sa $1.25 million na emergency support.

Sa pag-uusap ng dalawa, binanggit ni Marcos ang kahalagahan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa disaster relief and response.

Hinikayat niya din si Carlson na samantalahin ang EDCA sites.

Sa pagbisita ng Punong Ehekutibo sa Davao City nagbigay na siya ng P265 milyong halaga ng tulong bukod pa sa tulong-pinansiyal sa mga apektadong pamilya.

 

TAGS: Assistance, baha, Landslides, Mindanao, US, Assistance, baha, Landslides, Mindanao, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.