Conjugal visit sa Bilibid, BuCor prisons bawal pa rin
Magkakaroon ng selebrasyon ngayon ng Araw ng mga Puso ang Bureau of Corrections (BuCor) at ang tema ay “Kiss Sabay Hug.”
At sa kabila ng selebrasyon mananatiling suspendido ang “conjugal visit” sa pambansang piitan sa Muntinlupa City at sa iba pang pasilidad ng kawanihan.
Ngunit sinabi ni BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang na maari naman bisitahin ang mga persons deprived of liberty (PDLs) ng kanilang mga mahal sa buhay ngunit hindi maaring manatili ang mga ito magdamag sa kanilang pasilidad.
Dagdag pa niya dahil Valentine’s Day papayagan ang mga PDLs ng Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City na mabisita ang kanilang mga mahal sa buhay na nakakulong naman sa New Bilibid Prison.
Samantala, ipagdiriwang ngayon ng CIW ang kanilang 93rd anniversary na may temang ” Empowering People, Improving Lives Towards Building a Law Abiding and Productive Community.
Ibinahagi ni CIW acting Supt. Daisy Sevilla-Castillote tampok sa kanilang selebrasyon ngayon ang paglulunsad ng CIW Cashless System, pagpapasinaya ng kanilang bagong administrative building, pamamahagi ng food packs, hygiene kits at mga gamot sa PDLs na pamumunuan ni Catapang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.