Walang lovelife na mga Pinoy dumami – SWS survey
Mula sa 10 porsiyento noong 2002, umangat sa 19 porsiyento ng mga Filipino ang nagsabing wala silang buhay pag-ibig.
Base ito sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey, kung saan, 58 porsiuyento ng mga Filipino ang nagsabing masaya sila sa kanilang lovelife.
Isinagawa noong Disyembre ang survey, na may 1,200 respondents sa buong bansa, at inilabas ng SWS ilang araw bago ang paggunita ng Araw ng mga Puso o Valentine’s Day.
May 23 porsiyento naman ang nagsabi na dapat ay mas masaya sila sa kanilang buhay pag-ibig at 19 porsiyento ang nagsabing wala silang lovelife.
Samantala, pera naman ang nangungunang sagot sa tanong sa survey na kung ano ang nais matanggap sa Valentine’s Day mula sa mahal sa buhay.
Sinundan ito ng pagmamahal at pumangatlo ang bulaklak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.