Isa na namang umano’y tulak ng droga, patay sa buy-bust ops sa Maynila

 

Patay ang isang hinihinalang tulak ng bawal na gamot sa isinagawang drug buy bust operation ng Manila Police District mga otoridad sa Delpan Island, Brgy. 286, Zone 26, Binondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na agad na binawian ng buhay na si Ogie Sumage alyas “Taiwanese”, matapos manlaban sa mga miyembro MPD.

Ayon sa police asset na si PO2 Osmond Pring, pagpasok pa lamang nila sa loob ng bahay ng suspek, agad na silang binaril ng suspek na tumama sa suot nyang vest.

Gumanti naman ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng naturang suspek.

Hinala ng otoridad natunugan ng suspek na isang pulis si Pring na nagpanggap na bibili ng droga kayat nanlaban ito.

Nakakuha naman ang MPD sa crime scene ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu na may street value na apat na libong piso at isang 45 kalibre ng baril.

Read more...