2024 oil price hikes tinapos ng katiting na price rollback

By Jan Escosio February 12, 2024 - 07:40 PM

FILE PHOTO

Bukas ay matutuldukan na ang limang linggo na pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo.

Sa magkakahiwalay na abiso, magpapatupad ang mga kompaniya ng langis na bawas-presyo sa gasolina, diesel at kerosene.

Matatapyasan ng P0.10 ang halaga ng kada litro ng diesel, P0.60 naman sa gasolina at P0.40 sa kerosene.

Magugunita na na sa pagpasok ng 2024, nadagdagan na ng P5 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P3.40 naman sa diesel at P2.25 sa kerosene.

Ang paggalaw sa mga presyo ay bunga ng naging halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

 

 

TAGS: diesel, gasoline, kerosene, oil price rollback, diesel, gasoline, kerosene, oil price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.