Sen. Joel Villanueva kay Rep. Zaldy Co: Maligo ka muna!

By Jan Escosio February 12, 2024 - 06:40 PM

SENATE PRIB PHOTO

Binuweltahan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva si Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.

“Kung maglalabas po kayo ng baho , dapat naman siguro maligo ka muna!” sabi ni Villanueva sa kanyang privileged speech matapos magbukas ang sesyon kanina.

Unang itinanggi ni Villanueva ang mga naging pag-atake ni Co noong nakaraang linggo na siya ay may mga nakabinbing kaso sa Office of the Ombudsman.

Kasunod nito, inilitanya na ng senador ang mga kontrobersiya na kinasangkutan ni Co.

“Mr. President, is the Pope Catholic? Nag-research at nag-aral po ba ang nag-aakusang ito sa atin? Kakalkalin ngayon ang kaniyang mga kaso…dahil pumasok siya sa away na di niya away, kailangan niya magbabanggit ng mga personal attacks, e kakalkalin po itong mga atraso niya sa bayan,” sabi ni Villanueva.

Binanggit ng senador na ang Sunwest Corp., na pag-aari ni Co at isa sa mga pinakamalaking contractors sa gobyerno ay nasangkot sa Pharmally scandal, gayundin sa nabunyag na laptop scandal sa Department of Education (DepEd) at nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Pinuna din nito ang pagkakatalaga kat Co bilang chairman ng House Appropriations Committee sa kabila ng kanyang mga kaso.

“Ang masaklap po, sa kabila po ng track record na ito ni Mr. Zaldy Co, inappoint po siya ng Kamara de Representates bilang tagapagbantay ng kaban ng bayan. “Si Dracula, inappoint bilang tagapagbantay ng blood bank ng bayan,” sabi pa ni Villanueva.

Itinanggi na rin ng senador na minamaliit niya ang Kamara at sinabing kung nasaan man siya ngayon ito ay dahil sa pagsisimula niya sa Mababang Kapulunga ng Kongreso.

TAGS: DepEd laptops, Joel Villanueva, ombudsman, Pharmally scandal, Rep. Zaldy Co, DepEd laptops, Joel Villanueva, ombudsman, Pharmally scandal, Rep. Zaldy Co

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.