Sen. Alan Peter Cayetano isinulong pondo para sa Phivolcs modernization
Nais masiguro ni Senator Alan Peter Cayetano na magtuloy-tuloy ang pagpopondo para sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sinabi nito na hindi maituturing na ganap na tagumpay ang pag-apruba sa limang-taong plano.
Ayon pa sa namumuno sa Senate Committee on Science and Technology na napakaraming benepisyo sa pag-modernisa ng PHILVOLCS, bukod pa sa malaking tulong sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang na dito aniya ang “hazard mapping” na magiging gabay sa mga konstruksyon ng anumang imprastraktura.
Nakapaloob sa isinusulong na Phivolcs Modernization Act ang pagpapatayo ng 300 earthquake monitoring stations, 82 sea-level monitoring stations, geologic hazard maps, mga bagong pasilidad na may mga makabagong kagamitan at information and communications technology server room.
Sa pagdinig sa panukala ngayon araw, matatalakay din ang kahalagahan ng pagiging handa sa pagtama ng “The Big One” o lindol ng magnitude 7.2 pataas sa Metro Manila.
Noong 2016, tinaya na kapag tumama ang “The Big One”, maaring 48,000 ang masawi, bukod pa sa malawak na pinsala sa telekomunikasyon, kuryente at iba pang imprastraktura na magreresulta sa pagkawala ngf P2.5 trilyon sa ekonomiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.