Unang beses, sabi ni Ombudsman Samuel Martires, para sa kanya ang memorandum ng Office of the Presidential Management Staff (PMS) para sa presidential appointees na magsumite ng clearances mula sa ibat-ibang ahensiya ng gobyerno.
Sa isang panayam, sinabi na mahigit apat na dekada na siya sa gobyerno ngunit unang pagkakataon na may Malacanang memorandum para sa lahat ng mga namumuno ng mga ahensiya na hindi pirmado ng Executive Secretary.
Aniya dapat ay tinumbok na rin ng PMS ang sakop ng memo at maigsi din ang 30 day deadline sa pagsusumite ng mga dokumento.
“Who are these presidential appointees? Do they include cabinet secretaries, undersecretaries, assistant secretaries? Do they include the career executive officers who were promoted by the president? Do they include those who have specific terms of office? Do they include the members of the Judicial and Bar Council, who were appointed by the president but were confirmed by the Commission on Appointments? Do they include constitutional officers like me?” tanong ni Martires.
Base sa memo, sakop nito ang lahat ng presidential appointees bago noong Pebrero 1 at pinagsusumite sila ng updated personal data sheet at clearances mula sa Civil Service Commission, National Bureau of Investigation, Office of the Ombudsman at Sandiganbayan.