Bukas si Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na makipag-usap sa bandidong Abu Sayyaf Group.
Paliwanag ni Dureza, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa isang source na nais ni Abu Rami, tagapagsalita ng Abu Sayyaf na humarap sa dayalogo upang pag-usapan ang bihag na Norwegian na si Kjartan Sekkingstad.
Gayunman, iginiit ni Dureza na hindi magiging bahagi ng kanilang dayalogo ang pag-uusap ukol sa pagbibigay ng ransom na una nang hinihingi ng bandidong grupo para sa pagpapalaya ng kanilang mga bihag.
Bukod kay Sekkingstad, ipaiiral rin aniya ng Duterte administration ang ‘no ransom policy’ sa iba pang bihag ng bandidong grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.