Death toll sa Maco landslide umakyat sa 10

By Jan Escosio February 08, 2024 - 06:16 PM

PCO PHOTO

Nadagdagan ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa insidente ng landslide sa Maco, Davao de Oro.

Ibinahagi ng pamahalaang-lokal ng Maco, na may tatlo pang bangkay ang nahukay kasabay nang nagpapatuloy na search and rescue operations sa Barangay Masara.

Bunga nito, 10 na ang kumpirmadong nasawi sa trahedya.

Nasa 31 naman ang nailigtas na, samantalang higit 40 pa ang pinaghahanap.

Dalawang bus na pinagsasakyan ng mga minero ang natabunan ng tone-toneladang lupa noong Martes ng gabi, bukod pa sa ilang kabahayan.

Ikinukunsidera ang posibilidad na mas marami pa ang nawawala.

Ang ilang araw na pag-ulan na nagpalambot sa lupa ang itinuturong dahilan ng landslide.

 

TAGS: Davao de Oro, landslide, mining, Davao de Oro, landslide, mining

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.