Binatilyong Korean nag-suicide sa Bohol firing range

By Jan Escosio February 08, 2024 - 03:12 PM

FILE PHOTO

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang 17-anyos na Korean citizen sa Bohol kahapon ng hapon.

Base sa ulat, kinilala ang biktima na si Jeongseo Park at alas-2:30 nang mangyari ang insidente sa Sumaylo Firing Range sa Barangay Biking 2 sa bayan ng Dauis.

Ayon sa testigong si Rudy Genilo, isang range officer, alas-9 ng umaga nang dumating sa firing range si Park at nag-target shooting ito gamit ang isang Norinco 1911 caliber .45 pistol.

Aniya nagulat na lamang sila nang magbaril sa ulo si Park gamit ang naturang baril.

Inaalam pa ang maaring nagtulak sa banyaga para magpakamatay.

TAGS: Bohol, korean, suicide, Bohol, korean, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.