Laban para sa dagdag-sahod magpapatuloy – Sen. Bong Revilla Jr.

By Jan Escosio February 08, 2024 - 10:14 AM

FILE PHOTO

Kumpiyansa si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na inabot man ng dalawang dekada ay magbubunga ng maganda para sa mga manggagawa ang ipinaglaban niyang dagdag-sahod.

Sinabi ito ni Revilla matapos umabot na sa plenaryo ang panukalang wage hike sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

“Its high time we etch our role in history by finally being the waymakers for this much needed legislation,” ani Revilla Jr.

Kasabay nito ang kanyang pagpuri sa Senado dahil matagal na niyag isinusulong ang P150 taas-sahod sa mga manggagawa simula pa noong 2008.

Sa kanyang co-sponsorhip speech, binanggit pa ng senador na adbokasiya na niya ang pagsasabatas ng dagdag sahod.

Aniya hindi na nakakasabay ang suweldo ng mga mga manggagawa sa gastusin ng kanilang sa pang-araw araw maging sa kanilang mga panaguahing pangangailangan.

 

TAGS: Revilla, wage hike, workers, Revilla, wage hike, workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.