Mas mabigat na parusa, multa sa “game fixing” inihirit

By Jan Escosio February 07, 2024 - 08:53 PM

OSBG PHOTO

Nais ng ilang senador na mas maging mabigat ang parusa, kasama na ang pagkakakulong, sa “game fixing.”

Sa pagdinig ng Committee on Sports, na pimumunuan ni Sen. Christopher “Bong” Go, sasakupin ng mas mabigat na parusa ang players, coaches maging game officials.

“Kung may kasabwat dapat may managot. Ma-penalize, ma-ban para hindi maulit. Talagang lagyan natin ng ngipin ang batas na ito para maiwasan ang game fixing. Sayang naman ang thrill ng sports,” ani Go matapos ang pagdinig.

Aniya ang mga parusa ay sasakupin ang lahat ng uri ng sports league.

Umaasa naman si Sen. Jinggoy Estrada na mailalatag sa pinakamadaling panahon ang Senate Bill 1641 o ang Act Prohibiting Game-Fixing and Providing Penalties.

Nais niya na kaparusahan ay habambuhay na pagkabilanggo at multa na aabot sa P50 milyon.

 

TAGS: basketball, bong go, game fixing, Jinggoy Estrada, sports, basketball, bong go, game fixing, Jinggoy Estrada, sports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.