BuCor: Lamang ang pasok sa kalaboso sa mga laya

By Jan Escosio February 07, 2024 - 12:02 PM
Tiwala si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang na ang pagpapatayo ng mga kulungan sa bawat rehiyon ang mabisang solusyon para lumuwag ang ginagawalan ng mga bilanggo. Nakapaloob ito sa ulat ni Catapang kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla. Nabanggit ng opisyal na mas malaki ang bilang ng mga pumapasok sa mga kulungan kumpara sa mga lumalayang bilanggo. Aniya kada taon sa nakalipas na limang taon, 5,327 bilanggo ang nakakalaya, samantalang 7,823 naman ang naililipat sa kanilang kustodiya. Kung magpapatuloy ito, sabi pa ni Catapang, hindi luluwag ang kanilang mga pasilidad. Nagpapatuloy naman ang ginagawang “decongestion” sa pambansang piitan sa Muntinlupa City sa pamamagitan ng paglilipat ng mga bilanggo sa ibang pasilidad ng BuCor sa mga lalawigan.

TAGS: bucor, decongest, DOJ, bucor, decongest, DOJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.