PBBM: Gobyerno susulong para sa pagbuti pa ng ekonomiya

By Jan Escosio February 07, 2024 - 07:24 AM

OP PHOTO

Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr., na ginagawa ng gobyerno ang lahat para magpatuloy ang pagganda ng lagay ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi niya ito kasunod nang anunsiyo ng  Philippine Statistics Authority (PSA) nang pagbagal pa ng inflation rate sa bansa noong nakaraang buwan sa 2.78 porsiyento.

“We remain committed to easing the burden on our citizens, as evidenced by the recent electricity bill discounts for low-income households,” sabi ng Punong Ehekutibo.

Aniya ang pagbagal ng inflation rate ay bunga ng pagbaba ng presyo ng pagkain dahil na rin sa mga ginagawa hakbang ng mga ahensiya, kasama na ang pagpapatupad ng National Adaptation Plan at ang reactivation ng Task Force El Niño.

“Additionally, strategic partnerships with countries like Vietnam for rice supply to allow further imports of key food commodities are crucial steps towards ensuring sustained progress,” dagdag pa nito.

 

TAGS: food, inflation rate, PBBM, psa, food, inflation rate, PBBM, psa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.