Alegasyon ng korapsyon kay LTO Chief Vigor Mendoza tinitingan ng DOTr
Hiningi na ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang paliwanag ni Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza ukol sa mga alegasyon ng korapsyon laban sa kanya. Ang mga alegasyon ay mula sa ilang transport groups at iba civic organizations. Binanggit ni Bautista na kabilang sa mga alegasyon ng Federated Land Transport Organizations of the Philippines (FELTOP) at ng Coalition for Good Governance ay betrayal of public trust, grave abuse of authority, loss of trust and confidence, acts prejudicial to the public, reputational risk against the Philippine government, at iba pa. Ayon kay Bautista masyadong seryoso ang mga alegasyon kayat kailangan ng masusing imbestigasyon. Pagtitiyak naman ng kalihim na palagi nilang ikinukunsidera ang interes ng publiko, bukod pa sa kapakanan ng gobyerno sa pagresolba sa mga alegasyon laban sa mga opisyal ng kagawaran. Ipinarating din ang mga alegasyon kay Pangulong Marcos Jr., sa pamamagitan ng pagpapalathala sa mga pahayagan ng “open letter” ng dalawang naturang grupo gayundin ng Konsumo Pinas, Magtulungan Tayo, Philippine Transport Monitor, Samahan ng Kabataan Para sa Makabuluhang Pagbabago, at Kamalaya Consumer Cooperative. Ang mga alegasyon ay base sa patuloy na paniningil ng LTO ng computer fees base sa lumang LTO IT System sa kabila na natanggal na ito sa bagong Land Transportation Management System.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.