Suweldo ng OFWs sa nagsarang mga kompaniya sa Saudi sinimulan nang ibigay

By Jan Escosio February 06, 2024 - 08:24 PM

OP PHOTO

Inanunsiyo ni Marcos Jr., na nasimulan na ang pamamahagi ng suweldo ng overseas Filipino workers (OFWs)  na naapektuhan ng pagsasara ng ilang kompaniya sa Saudi Arabia noong 2015 at 2016.

“Nais ko lang balitaan ang ating mga OFW na galing sa Saudi na patuloy na ang pagbayad ng insurance ng Saudi Arabia sa mga empleyado ng mga kumpanyang nabangkarote na nag-file ng claim sa insurance,” ayon sa pangulo.

Aniya naproseso na ng Overseas Filipino Bank (OFB) at Land Bank of the Philippines (LBP) ang 1,104 Alinma Bank Indemnity Cheques.

Nabatid na kabuuang P 868,740,544 ng indemnity checks ang nabigyan na ng clearance ng Alinma Bank sa  LBP at nailipat naman na sa Overseas Filipino Bank (OFB).

Sinabi pa ni Pangulong Marcos Jr., na ito ay pagtupad ng naipangako sa kanya ni  Saudi Crown Prince Mohammed bin sa kanilang pagkikita sa ginanap na  Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand noong Nobyembre 2022.

“Patuloy nga ang pangako ng Crown Prince ng Saudi Arabia — ang pangako niya sa atin na ibabayad nila yung insurance claims.  Kaya’t magandang balita ito para sa ating mga OFW sa Saudi,” dugtong pa ng Punong Ehekutibo.

TAGS: insurance, OFWs, PBBM, saudi arabia, insurance, OFWs, PBBM, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.