Robin may resolusyon para sa malinaw na pagboto ng Senado, Kamara

SENATE PRIB PHOTO

Naghain ng resolusyon si Senator Robinhood Padilla na ang layon ay linawin ang magkahiwalay na pagboto ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Sa kanyang Resolution of Both Houses No.7 nais ni Padilla na maamyendahan ang Section 1 Article 17 sa Saligang Batas para sa hiwalay na pagboto ng Senado at Kamara.

Paliwanag ng senador kailangan na malinawan ang probisyon para sa “bicameral legislature.”

Nais din niya na maiwasan ang diskusyon at ibang interpretasyon sa paraan ng pagboto.

Naniniwala si Padilla na kailangan na mabigyan linaw muna ang paraan ng pagboto bago pa man amyendahan ang Saligang Batas.

Read more...