January inflation rate bumaba sa 2.8 porsiyento
Bumaba sa pinakamababa sa loob ng halos apat na taon ang naitalang inflation rate sa bansa sa unang buwan ng taon.
Iniulat ng Philippine Statistics Authority na ito ay mula sa 3.9 porsiyento noong nakaraang Disyembre.
Noong Enero 2023, ang inflation rate ay 8.7 porsiyento.
Ang naitalang huling inflation rate ang pinakamababa simula noong Oktubre 2020, kung kailan nakapagtala ng 2.3 porsiyento, sa kasagsagan ng pandemya dulot ng Covid 19.
Target ng gobyerno ngayon taon na makapagtala ng 2.0 porsiyento hanggang 4.0 porsiyentong inflation rate mula sa 6.0 porsiyento sa kabuuan ng nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.