Lumusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang panukalang-batas na layon magkaroon ng reporma sa pambansang-pulisya.
Bumoto pabor sa Senate Bill 2449 ang 23 senador at walang tumutol sa pag-amyenda sa RA 6975 o ang Department of the Interior and Local Government Act of 1990. gayundin sa Republic Act 8551 o ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998.
Nakasaad sa panukala ang paglilipat ng awtoridad na magtalaga ng chiefs of police at provincial director sa hepe ng pambansang-pulisya mula sa mga mayor at gobernador.
Itinataas din sa panukala ang retirement age ng mga pulis sa 57 mula sa kasalukuyang 56.
Itinatakda din ang dalawang taon sa puwesto ng maitatalagang PNP chief, bukod sa pagpapataas pa ng estado ng PNP Academy.
Mabibigyan din ng sapat na pagkilala ang mga kadete ng PNP Academy, bukod sa mga benepisyo at suweldo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.