Dating SC CJ Davide hindi pabor na amyendahan ang 1987 Constitution
Naniniwala ng mga kilalang “legal minds” sa bansa na wala pang sapat na dahilan upang amyendahan ang 1987 Constitution.
Sa pagdinig ng Subcommittee on Constitutional Amendments, sa pangunguna ni Sen. Sonny Angara, sinabi ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr., na hindi nagbabago ang kanyang posisyon at aniya walang seryoso at mabigat na dahilan para baguhin ang ilang probisyon sa Saligang Batas ng Pilipinas.
Sinabi ni Davide sa mga senador na sa kanyang paniniwala, hindi ang pagbabago sa Konstitusyon ang kailangan kundi ang istriktong pagsunod sa mga probisyon na nakapaloob dito.
Naniniwala din aniya siya na kung luluwagan ang “economic restrictions” ay maaring magdulot pa ito ng seryoso at malubhang problema.
Kung aamyendahan naman ang Saligang Batas, ito dapat aniya ay base sa interes ng bansa at mamamayan at hindi sa iilan lamang.
Ayon naman kay dating Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna, wala sa economic provisions ang problema dahil ang mga ito ay nakapaloob na sa 1935 Constitution.
Sinabi na lamang din ni Azcuna na sa halip na amyendahan, alisin na lamang sa ilang sinasabing “restrictive economic provisions” sa katuwiran na wala naman dapat ito sa Konstitusyon at maipapatupad maging sa pamamagitan ng lehislatura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.