Ilang ahensiya ng gobyerno balakid sa agrarian reform program – farmer’s group

By Jan Escosio February 05, 2024 - 11:37 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Umapila ang isang grupo ng mga magsasaka kay Pangulong Marcos Jr., para sa pantay na pamamahagi ng lupa sa ilalim ng agrarian reform program ng gobyerno.

Sinabi ni Federation of Free Farmers (FFF) Chairman Leonardo Montemayor na hindi ganap na maipapatupad ang programa hanggang hindi binibitawan ng ilang ahensiya ng gobyerno ang mga pampublikong lupa na maaring mapakinabangan ng mga magsasaka.

Dagdag pa ni Montemayor na lantarana na binabalewala ng mga ahensiya ang Executive Order No. 75 ng administrasyong-Duterte.

Nagpahiwatig ang dating kalihim ng Department of Agriculture (DA) na ang mga ahensiya ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of National Defense (DND), at Department of  Justice (DOJ).

Aniya may balakin ang mga naturang kagawaran na pagkakitaan ang mga lupa sa pamamagitan nang pagpapaupa sa mga ito sa mga malalaking korporasyon.

Inihalimbawa niya ang anunsiyo kamakailan ng DENR ang pagsasagawa ng bidding para sa milyong ektarya ng gubat sa hanay ng mga mamumuhunan.

Ngunit bago ito, may utos na si PangulongMarcos Jr., kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na bilisan ang pamamahagi ng mga lupa para sa produksyon at seguridad sa pagkain.

Nailathala na rin ang diumanoy pagtanggi ng DENR na ilipat na sa DAR ang 40,000 ektaryang Yulo King Ranch sa Coron at Busuanga sa Palawan na sana ay mapapakinabangan na ng halos 1,000 magsasaka.

Sa kabila na ito ng panawagan na ibigay na ang titulo ng mga lupain na bahagi ng YKR.

Naibahagi na si Environment Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga, ang court-designated executor ng  Yulo estate kasama ang YKR, na ipinaman ng kanyang namayapang ama na kilalang malapit sa yumaong Pangulong Marcos.

Kaya iginigiit ng mga magsasaka ang Republic Act 6657 o ang  Comprehensive Agrarian Reform Law ang kanilang karapatan sa lupain na kanilang sinasaka bago pa man dumating ang mga Yulo sa Palawan.

Nabatid na may bahagi ng YKR ang naibigay noong pang 2009 sa New San Jose Builders Inc., na pag-aari naman ni Housing Sec. Jerry Acuzar.

 

TAGS: agrarian reform, DENR, DND, DOJ, magsasaka, Palawan, agrarian reform, DENR, DND, DOJ, magsasaka, Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.