PI hindi mawawala sa kawalan ng malinaw na posisyon ni PBBM – Chiz
Naniniwala si Senator Francis “ Chiz” Escudero na mananatili ang banta ng pekeng People’s Initiative hanggang walang malinaw na posisyon si Pangulong Marcos Jr., sa isyu.
Aniya, maliwanag na inamin ng Commission on Elections (COMELEC) na walang expiration date ang mga lagda at hindi maiaalis ang pangamba na muli itong magamit sa hinaharap.
Pagdidiin pa ng senador, kung makapagbibigay lamang ng malinaw na posisyon ang Punong Ehekutibo ay magwawakas na ang PI at maaayos na ang mga nabulabog na mga relasyon.
Ukol naman sa nais ng ilang kongresista na itigil na ang pag-iimbestiga ng Senado, ayon kay Escudero walang dapat ikabahala ang walang kinalaman sa nabunyag na PI.
Huli na rin aniya ang apila dhil sa pag-amin ni Speaker Martin Romualdez na siya ang tumayong ‘facilitator’ sa naganap na pulong para sa People’s Initiative sa pagitan ng People’s Initiative for Reform Modernization and Action (PIRMA).
Malinaw na rin sa imbestigasyon na may koordinasyong naganap sa pagitan ng ilang mga kongresista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.