Inihain ang panukalang batas na naglalayong palakasin ang electric vehicle (EV) industry ng bansa.
Paliwanag ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, layon ng kanyang House Bill No. 9573 na amyendahan ang Republic Act No. 11697, o ang “Electric Vehicle Industry Development Act” (EVIDA), upang balasahin ang tax and duty treatment ng electric vehicles at matugunan ang mga kritikal na isyu na kinakaharap ng bansa.
Dagdag pa niya, pamgunahing layunin ng panukala na matupad ng Pilipinas ang commitments sa international community kasama na ang sa Paris Agreement, namabawasan ang pagdepende ng bansa sa fossil fuels.
Binigyang-diin ng mambabatas sa kanyang panukala ang pangangailangan na lumipat sa sustainable alternatives sa harap ng tumataas na net petroleum import bill, na $11.57 billion noong 2021 ay sumirit sa $19.02 billion noong 2022.
Iginiit ng kongresista na ang electric vehicle sector ang ‘key player’ sa pagkamit ng paglipat na ito.
“While the EVIDA has successfully propelled a six-fold increase in electric car sales in 2023 compared to 2022, limitations in the law have excluded two-wheeled electric vehicles from crucial fiscal incentives,” sabi ni Salceda.
Kabilang sa pinaaamyendahan ay ang pagababago sa pagsasalaraan ng electric vehicles upang tahasang maisama ang two-wheeled vehicles sa saklaw ng R.A. No. 11697.
“Some 60% of electric vehicles in the country fall into the two-wheeled category, making their exclusion from tax incentives inequitable. Additionally, two-wheeled electric vehicles are highlighted for their affordability and potential to address congestion issues,” sabi pa ni Salceda