Sen. Imee Marcos tikom na kay Mayor Baste Duterte

By Jan Escosio February 05, 2024 - 05:43 AM

Sinabi ni Senator Imee Marcos na agad na naplantsa ang naging isyu ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa kanya.

“Nagkausap na kami. Ok na. Naku hindi na ako basta-basta magku-kuwento at sa kaguluhan ngayon ay napakadaling baliin at bigyan ng maling kahulugan,” ani Marcos.

Hinala niya ay may gusto na mag-away sila ng anak ni dating Pangulong Duterte.

Dahil sa pangyayari, sinabi ni Marcos na hindi na lamang niya ibabahagi pa ang detalye ng pagkaka-ayos nila ni Mayor Duterte.

Nauna nang nag-post sa kanyang social media at aniya ginagamit na lamang siya ng senadora sa drama nito sa media.

“Humingi ako ng tawad dahil naawa ako sayo, hindi dahil sa mga sinabi ko tungkol sa kapatid mo na presidente,” ani Mayor Duterte patungkol sa kanyang naging panawagan kay Pangulong Marcos Jr., na magbitiw na sa puwesto.

Dagdag pa niya: “Undangi kog gamit ana imong mga jamming. Gipa lampas na taka kausa pero banha gihapon kayka.” (Ihinto mo na ang pagganmit sa akin sa mga jamming mo. Pinagbigyan na kita nung una pero mainigay ka pa din.”

TAGS: apology, Baste Duterte, Sen. Imee Marcos, sorry, apology, Baste Duterte, Sen. Imee Marcos, sorry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.