UN Rapporteur Irene Khan sa gobyerno: Hindi dapat balat sibuyas sa mga puna, banat

By Jan Escosio February 02, 2024 - 03:10 PM

INQUIRER PHOTO

Sa pagtatapos ng kanyang 10 araw na pagbisita sa Pilipinas, ibinahagi ni United Nations (UN) Special Rapporteur Irene Khan na dapat ay hindi maging balat sibuyas ang gobyerno sa mga batikos at puna.

Kailangan aniya na mas maging mapagparaya ang mga opisyal ng gobyerno maging sa mga bagay hindi nila gusto.

“The whole concept of freedom of expression is to be able to say what you want, even if it offends the other side,” ayon sa UN rapporteur on freedom of opinion and expression.

Bumisita sa ibat-ibang dako ng bansa si Khan at nakipag-usap sa ilang mamamahayag at aktibista.

“Tolerance is a very important quality for the state in order to protect and uphold freedom of expression,” sabi pa nito.

Ikinalungkot niya ang pagsasara ng ABS-CBN, gayundin ng CNN Philippines kamakailan.

 

TAGS: press freedom, UN rapporteur, press freedom, UN rapporteur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.