Senate probe sa people’s initiative dadalhin sa Davao City
Tatlong araw lamang ang magiging pagitan ng pagdinig ukol sa kontrobersyal na people’s initiative.
Ngayon araw ng Biyernes, alas-2 ng hapon, ay isasagawa sa Davao City ng Committee on Electoral Reforms ang ikalawang pagdinig sa inihain niyang dalawang resolusyon ukol sa isinagawang signature campaign upang maamyendahan ang Saligang Batas.
Ayon kay Sen. Imee Marcos, ang namumuno sa komite, na sesentro ang pagdinig sa iba pang nabudol sa Mindanao ng mga nagsulong ng inisyatibo kapalit ang ayuda, trabaho at pera.
Sinabi na rin ni Marcos na hindi nila inaasahan na lulutang sa pagdinig si Atty. Anthony Abad, ang nakapirma sa mga ipinakalat na signature forms.
Aniya sa huling komunikasyon ni Abad sa komite, sinabi nito na siya ay nasa ibang bansa.
Nabanggit na rin ng senadora na umaasa siya na pauunlakan na ang kanilang imbitasyon na humarap sa mga susunod pang pagdinig ang ilang kawani ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, gayundin ang mga tauhan ni Speaker Martin Romualdez at iba pang kongresista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.