Sa isang statement, sinabi ni Iraq Charge D’ Affaires Elmer Cato na kailangang maging maingat ang mga Pilipino dahil posible ang mga bagong pag-atake lalo’t patapos na ang Ramadan.
Ayon kay Cato, hindi lamang sa Baghdad maaaring magkaroon ng mga pag-atake kundi sa iba pang parte ng Iraq, kaya mainam aniyang i-restrict iwasan muna ng mga kababayan sa Iraq ang pagpunta sa mga pampublikong lugar.
Hinimok naman ni Cato ang mga Pilipino na makipag-ugnayan sa embahada.
Batay sa ulat, ilang dosenang indibidwal ang nasawi at nasugatan sa twin bombing sa Baghdad, na inaako ng Islamic State.
MOST READ
LATEST STORIES