“Spaghetti wires” napagbuntunan ni Sen. Raffy Tulfo
Sa pamamagitan ng privilege speech, pinuna ng husto ni Senator Raffy Tulfo ang mga nakalaylay na “spaghetti wires.”
Hiningi ni Tulfo ang agarang aksyon ng mga kompaniya ng kuryente at telekomunikasyon at agad isaayos ang mga nagkabuhol-buhol ng mga kable o kawad sa katuwiran na mapanganib ang mga ito sa mga tao.
Bukod pa dito, maari din aniya na maging ugat ng trapiko ang mga kable at kawad, bukod sa maaring makasira ng mga ari-arian, makaapekto sa suplay ng kuryente at telekomunikasyon, gayundin sa pangit tingnan ang mga ito.
Sinabi ng senador na nararapat lamang na magkaroon ng malinaw na alintuntunin ang gobyerno hinggil sa spaghetti wires.
Tiwala din aniya siya na mabibigyan ng sapat na pansin ni Sen. Ramon Revilla Jr., ang isyu bilang namumuno sa Senate Committee on Public Works.
At siya naman bilang chairman ng Committee on Energy ay kakalampagin din ang electric distributors.
Ayon pa kay Tulfo kung kakailanganin ay amyendahan ang mga batas at iatang ang responsibilidad sa mga negosyo na nagmamay-ari ng mga kable, kawad at poste.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.