Higit 5-B ng populasyon ng mundo ang socmed users – study

INQUIRER PHOTO

Higit limang bilyon o 62.3 porsiyento ng kabuuang populasyon sa buong mundo ang active social media users.

Sa ulat, ang bilang ay tumaas ng 5.6 porsiyento, mas mabilis pa sa naitalang 0.9 porsiyento pagtaas ng populasyon sa buong mundo.

Ang Facebook ng Meta ang may pinakamaraming user sa bilang na 2.19 bilyon, sinundan ng kanilang Instagram na may 1.65 billion at 1.56 billion sa TikTok.

Nabanggit din sa ulat na mahirap makapagbigay ng eksaktong bilang dahil may mga users na higit sa isa ang accounts.

Samantala, ang “most searched entry” sa Wikipedia ay ang  “ChatGPT”,ng OpenAI.

Read more...