Populasyon ng Pilipinas inaasahang lolobo sa 138.67-M sa 2055
Inaasahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pagsapit ng 2055 ang populasyon sa bansa ay lumubo na sa 138.67 milyon.
Base 2020 Census-Based National Population Projections, sa susunod na tatlong dekada, madagdagan ng 842,000 kada taon ang bilang ng mga Filipino.
Lalabas na madadagdagan ng 29.47 milyon ang 2020 population ng bansa na 109.20 milyon sa loob ng 35 taon.
Ang pagtataya na ito ng PSA ay base sa Scenario 2 na inirekomenda ng ahensiya.
Nakapaloob din dito ang pagbaba sa 1.9 bata ang ipapanganak sa mga susunod na taon mula sa 2.1 bata sa bawat Filipina noong 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.