Sen. Imee Marcos sinabing hindi hahayaan na sirain muli ang pamilya
Nanindigan si Senator Imee Marcos na ipagtatanggol niya ang kanilang pamilya dahil higit tatlong dekada silang naghirap at dumaan sa maraming pagsubok.
Sinabi niya ito sa mga mamamahayag isang araw matapos pamunuan ang pagdinig ukol sa kontrobersiyal na people’s initiative o PI.
Nasabi ito ni Marcos nang matanong hinggil sa tila lumalalim na hidwaan ng kanilang pamilya at ng pamilya Duterte.
“Why should I be required to make a choice? Mahal ko silang lahat ang ayoko yung nakakasira ng aming pangalan. So, ipagtatanggol ko,” aniya.
Ayon pa sa senadora itinuturing nilang biyaya ang mabigyan muli ng pagkakataon na makapgsilbi sa bansa at kapwa Filipino kayat hindi niya hahayaan na muling sirain ang kanilang pangalan.
Samantala, sinabi ni Marcos na sa kanyang palagay ay may lamat na ang UniTeam ngunit nananatiling maganda ang relasyon ng kanyang nakakabatang kapatid, si Pangulong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Idinagdag pa niya na matatag din ang pakikitungo nila sa isat-isa ng bise-presidente.
“Sa palagay ko, ang uniteam eh talagang may tama na, may lamat na ang pagkakaisa pero sa palagay ko yung mga principal hindi naman magulo eh,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.