3 pulis patay sa shootout vs crime group sa Samar

Nasawi ang tatlong pulis at apat iba pa ang nasugatan nang maka-engkuwentro ang isang criminal group sa Sta. Margarita, Samar, Martes ng madaling araw.

Sa ulat, nagtungo ang mga tauhan ng  1st Samar Police Mobile Force Company at  Regional Mobile Force Battalion sa Barangay Mahayag para magsilbi ng warrants of arrest.

Nabatid na ang aarestuhin ay sina Jojo Altarejos, Rogelio Macurol, at Edito Ampoan, ang itinuturing na lider ng Ampoan Group ala- 5 nang maganap ang barilan.

Unang nagpaputok ang tatlong suspek at gumanti ang mga pulis.

Kinilala ang mga nasawi na sina PSSg Christian Tallo, PCpl Eliazar  Estrelles Jr. at PMSg Paul Terence Paclibar.

Tumagal ang pagpapalitan ng mga putok ng 20 minuto bago naaresto ang pitong miyembro ng grupo, ayon kay PNP spokesperson, Col. Jean Fernando.

Ang mga sugatang pulis ay dinala sa isang ospital sa lungsod ng Calbayog.

Read more...