Ex-Tiaong Mayor Preza nagpiyansa, inasunto naman ng perjury

FILE PHOTO

Karagdagang kasong perjury ang kinahaharap ngayon ni dating Tiaong, Quezon Mayor Ramon Preza.

Base sa impormasyon mula sa Lucena City Prosecutors Office, ang kasong paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code ay naisampa sa Lucena City Regional Trial Court Branch 53.

Umabot sa korte ang reklamo kay Preza base sa kanyang naunang akusasyon ng pandaraya at panloloko laban sa negosyanteng si Frankie Ong.

Ngunit napatunayan na ang halos P50 milyon na pinag-uusapan ay personal na utang ni Ong kay Preza at base na rin ito sa mismong counter-affidavit na isinumite ng huli sa Makati City Prosecutors Office.

Sa ngayon ay pansamantalang nakakalaya si Preza matapos mag-piyansa ng P25,000 matapos na rin maglabas ang korte ng arrest warrant noong nakaraang Enero 19.

Ang kasong perjury ay may katapat na parusang hindi bababa sa anim na taon hanggang 10 taon na pagkakakulong at multa na hindi lalagpas sa P1 milyon.

Kamakailan lamang ay humarap na si Preza sa Office of the Ombudsman dahil naman sa reklamo ng katiwalian laban sa kanya na nag-ugat naman sa sinasabing pagpabor sa kanyang sariling negosyo noong siya ang alkalde pa ng kanilang bayan.

 

 

Read more...