Resolusyon para pagkuwestiyon sa SC ng PI inihain ni Villanueva
Naghain ng resolusyon si Senate Majority Joel Villanueva para bigyan awtorisasyon si Senate President Juan Miguel Zubiri na gumawa ng anumang legal na hakbangin sa pagkuwestiyon ng Senado sa isinusulong na people’s initiative (PI).
Naging co-authors iba pang senador sa Senate Resolution 920.
Nakasaad din sa resolusyon ang pagbibigay awtorisasyon kay Zubiri na kumuha ng mga abogado bilang paghahanda sa gagawin nilang aksyong legal, gayundin sa kanilang mga gagawing argumento.
Binanggit ni Villanueva sa resolsuyon ang mga naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang hindi sapat ang RA 6735 o ang Initiative and Referendum Act para magsulong ng people’s initiative.
Sa pagdinig kahapon ng Committee on Electoral Reforms, ilang eksperto sa batas ang nagsabi na hindi maaring magamit na paraan sa pag-amyenda sa Saligang Batas ang people’s initiative dahil hindi sapat ang batas ukol dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.