Uniteam nina PBBM at VP Sara buong-buo pa

INQUIRER PHOTO

Nananatiling matatag ang samahan nina Pangulong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Sa panayam kay Marcos sa kanyang pagbisita sa Hanoi, Vietnam, sinabi nito na nananatiling buo ang Uniteam nila ni Duterte.

Nabuo ang Uniteam nang magsanib puwersa ang dalawa noong 2022 elections.

“I believe so because if you remember ‘Uniteam’ is not just one party of two parties or three parties. It’s the unification of all political, hopefully all political forces in the Philippines to come together for the good country. And that is still there. It is still vibrant. It is still working, and we will continue,” aniya.

Tiniyak din ng Punong Ehekutibo na walang nagbago sa samahan nila ng kanyang bise presidente.

“Well, it’s exactly the same because she has – of that nature. And, wala naman siyang sinasabi na ganyang klase. So, hindi naman nagbabago,” dagdag pa ni Marcos.

Magugunita na noong Linggo, sinabi ni dating Pangulong Duterte na nasa drug watchlist ng PDEA si Marcos, na bumuwelta naman kinabukasan at sinabi na maaring umeepekto na ang fentanyl sa dating pangulo.

Read more...