PBBM hinamon ni Digong na magpa-drug test

By Jan Escosio January 31, 2024 - 06:10 AM

Hindi pa tapos si dating Pangulong Duterte kay Pangulong Marcos Jr.

Kagabi hinamon ng dating pangulo si Marcos na magpa-drug test sa isang “independent body.”

Ang isa pang kondisyon ni Duterte ay isagawa ang drug testing sa harap ng publiko.

Ito ang unang beses na nagsalita muli si Duterte matapos sabihin ni Marcos na maaring nakakaapekto na sa una ang fentanyl.

Paliwanag pa ni Duterte, gumagamit na siya ng fentanyl patch matapos ang kanyang aksidente sa motorsiklo may walong taon na ang nakakaraan.

Aniya ang fentanyl patch ay inireseta sa kanya ng doktor.

Ginagamit ang fentanyl sa cancer at pain management at maari din itong sedative.

Noong Linggo, sinabi ni Duterte na nasa drug wtachlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Marcos.

Itinanggi naman ito ng PDEA at sinabi na kahit kailan ay hindi napabilang ang Punong Ehekutibo sa kanilang “drug watchlist.”

 

 

TAGS: drug test, duterte, fentanyl, PBBM, drug test, duterte, fentanyl, PBBM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.