Mister ni model/host Joey Mead, isang trans woman na

Photo grab mula sa IG account ni Joey Mead-King
Photo grab mula sa IG account ni Joey Mead-King

Nasorpresa ang maraming netizens sa paglantad ng asawa ni model-host Joey Mead na si Ian King bilang isang ‘transgender woman.’

Sa Instagram post ni Joey kahapon, makikita ang isang babae na lumulutang sa pool, at may caption na “Freedom.”

Sa Instagram pa rin, hindi na @hailtothe_king ang username ni Ian, kundi @hailtothe_queen na at tinatawag na siya ngayong Angelina Mead King.

At sa kanyang post ngayong araw, kasama ni Angelina si Joey sa photo na may caption na “We’re so happy to be free.”

Sa mga nakalipas na post ni Angelina, nagpasalamat siya sa lahat na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal at suporta matapos ang kanyang anunsyo.

Kinasal sina Ian o Angelina at Joey noong November 2011. 

Read more...