Ph may tiyak na suplay ng bigas mula sa Vietnam ng limang taon

By Jan Escosio January 30, 2024 - 09:01 PM

PCO PHOTO

HANOI, Vietnam – Dalawang mahahalagang kasunduan ang sinelyuhan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.

Una ang pagsu-suplay ng bigas sa Pilipinas ng 1.5 milyon hanggang dalawang milyong metriko tonelada kada taon sa susunod na limang taon sa murang halaga.

Ikalawa, nagkasundo ang dalawa sa mga hakbang para maiwasan ang insidente sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Naselyuhan ang Rice Trade Cooperation and on Cooperation in Agriculture and Related Fields at  Incident Prevention and Management in the South China Sea sa dalawang araw na pagbisita dito ni Pangulong Marcos Jr.

Nakipagpulong si Pangulong Marcos Jr., kina President Vo Van Thuong, Prime Minister Pham Minh Chinh at National Assembly of the Socialist Republic of Vietnam Vuong Dinh Hue.

 

 

TAGS: rice, South China Sea, state visit, Vietnam, rice, South China Sea, state visit, Vietnam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.