Grace Poe, Imee top VP bets sa 2028 polls – survey
Si Senator Grace Poe ang nangungunang iboboto na bise-presidente ng bansa sa 2028 elections.
Base ito sa resulta ng unang survey ng Philippine Public Opinion Monitor ng WR Numero sa nakuha niyag 22 porsiyento.
Sinundan siya ni Sen. Imee Marcos na pinili ng 15 porsiyento ng 1,457 respondents.
Isinagawa ang The Opinion Monitor survey noong Nobyembre 24 hanggang Disyembre 24 noong nakaraang taon.
Nakakuha naman ng tig-11 porsiyento sina Sen. Robinhood Padilla at dating Sen. Manny Pacquiao.
Si dating Vice President Leni Robredo ang bumuo sa Top 5 sa kanyang siyam na porsiyento.
Si Senate President Juan Miguel Zubiri ay nakakuha ng anim na porsiyento, apat na porsiyento kay Defense Sec. Gilbert Teodoro at dalawang porsiyento naman kay House Speaker Martin Romualdez.
May 21 porsiyento ang walang napili o wala sa listahan ang kanilang nais na iboto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.