Idinulog sa Korte Suorema ng mga anchors at reporters ng Sonshine Media Network International (SMNI) kaugnay sa suspension orders ng National Telecommunications Commission (NTC).
Sa pangunguna ni dating presidential spokesman Harry Roque inihain nila ang 45-pahinang petisyon.
Hiniling nila na magpalabas ang Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) at writ of preliminary injunction laban sa naturang suspensyon.
Magugunita na sinuspindi ng NTC ang ilang programa ng SMNI dahil sa mga reklamo ng pagpapakalat ng diumanoy maling impormasyon.
Ayon naman sa SMNI reporters, banta sa malayang pamamahayag ang hakbang ng NTC laban sa kanila.
Sa ngayon ay suspindido ang operasyon ng SMI.
Unang naghain ng petisyon ang SMNI ng petisyon sa Court of Appeals laban sa utos ng NTC ngunit ibinasura ito dahil sa teknikalidad.