61 prosecution evidence hiningi ng korte sa de Lima drug case

FILE PHOTO

Inatasan ng isang korte sa Muntinlupa City ang mga taga-usig na isumite ang 61 piraso ng ebidensiya at dokumento sa kaso ni dating Senator Leila de Lima.

Inilabas ang utos ng  Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206   sa pagdinig ng case 17-167 ni de Lima, kung saan kapwa akusado niya sina dating  Bureau of Corrections (BuCor) director Franklin Jesus Bucayu, Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jose Adrian Dera.

Naisampa ang kaso noon pang Pebrero 2017 at ito na lamang ang natitirang kaso ng dating senador matapos ibasura ng korte ang dalawa pang drug cases.

Pinuna ni Presiding Judge Gener Gito sa pagdinig kanina na pormal ng nag-alok ng mga ebidensiya ang panig ng prosekusyon, ngunit kulang-kulang ang mga naisumiteng dokumento.

Sinabi pa ni Gito na nabigo din ipaalam ng prosekusyon  kung saan matatagpuan ang mga dokumento.

Kabilang sa mga dapat isumite ay ang sinumpaang-salaysay ng testigong si Joel Capones, mga sulat, mga affidavit, bank account information at mga retrato.

“The Court will rule on the formal offer of evidence by the prosecution after it shall have received the documents being required to be submitted by the Court,” ang sabi pa ng hukuman.

Read more...