Constitutional crisis? Magtiwala sa Panginoon – Cayetano

By Jan Escosio January 30, 2024 - 05:29 AM

OSAPC PHOTO

Ngayon nakakaranas na ng constitutional crisis sa bansa dahil sa mga sigalot na idinulot ng people’s initiative, sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano na nararapat na pagkatiwalaan ang mga salita ng Diyos.

“When we place our trust in the word of God, there is no disappointment,” sabi ni Cayetano nang pangunahan niya ang pagdadasal sa sesyon sa Senado.

Sinabi pa nito na napakahalaga ng pananampalataya kasabay ng dinadanas na “constitutional crisis” sa kasalukuyan dahil sa iringan ng Senado at Kamara na nag-ugat sa nais na pag-amyenda sa Saligang Batas.

Una nang binanggit ni Cayetano na mahalaga ang maingat na pag-uusap sa mga probisyon ng Saligang Batas na nais maamyendahan.

Ito ay sa katuwiran niya na ang taumbayan ang lubos na makakaramdam ng mga gagawing pagbabago sa 37-anyos na Konstitusyon ng bansa.

TAGS: Alan Peter Cayetano, Constitutional crisis, prayer, Alan Peter Cayetano, Constitutional crisis, prayer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.