Ejercito: Imahen ng Pilipinas sa mundo apektado ng away ng mga pulitiko
Pinaalahanan ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang mga kapwa mambabatas sa Senado at Kamara na nakakaapekto sa imahen ng bansa ang nangyayaring bangayan sa dalawang Kongreso.
Kayat apila ni Ejercito sa mga kapwa mambabatas na maghinay-hinay sa patutsadahan.
Ginawa ng senador ang apila nang magpatutsadahan na rin sina Pangulong Marcos Jr., at dating Pangulong Duterte.
Aniya ikinalulungkot niya na dahil nasisira ang samahan ng mga magkaka-alyado sa pulitika.
Nangangamba din si Ejercito dahil sa mga kaganapan ay maapektuhan na ang mga programa, proyekto at serbisyo para sa mamamayan kasama na ang pagharap sa mataas na halaga ng mga bilihin at pagpapagawa ng mga imprastraktura.
Naniniwala ito na matitigil lamang ang bangayan kung mahihinto na ang isinusulong na people’s initiative para maamyendahan ang Saligang Batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.