Preno tinapakan ng Comelec sa umaarangkadang PI

By Jan Escosio January 29, 2024 - 06:59 PM

INQUIRER PHOTO

Tinapakan ng Commission on Elections (Comelec) ang preno sa umaarangkadang people’s initiative o PI.

Ibinahagi ni Chairman George Garcia na nagdesisyon sila na suspindihin muna ang lahat ng aktibidad  na may kinalaman sa PI.

Aniya kasama sa suspensyon ang hindi muna pagtanggap ng siganture forms.

Pag-amin ni Garcia na kailangan ng masusing pagsusuri at pag-amyenda mismo sa mga alintuntunin na gumagabay sa pagsasagawa ng PI.

Dagdag pa ng opisyal na kinakailangan nilang gawin ang hakbang para maiwasan ang kaguluhan at hindi pagkakaintindihan sa interpretasyon ng mga polisiya.

Hanggang noong Enero 26, nakatanggap na ang Comelec ng signature forms ng people’s initiative mula sa 1,072 lungsod at bayan sa bansa.

 

 

TAGS: Cha-Cha, comelec, Cha-Cha, comelec

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.