Dagdag MC taxis inalmahan ng UV Express group

By Jan Escosio January 29, 2024 - 01:17 PM

INQUIRER PHOTO

Pumalag ng isang grupo ng UV Express operators sa pagdaragdag ng bagong operators ng motorcycle taxis.

Ayon kay Alpha Martinez, ang national president ng National Federation of UV Express Inc., may operasyon na ang Move It ng Grab, Angkas, JoyRide at iba pa pero hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang pilot study dito ng LTFRB , Technical Working Group at DOTr. hinggil sa mga polisiya sa MC Taxi.

Pagdidiin niya .limang taon nang may operasyon ng MC taxis sa bansa ngunit wala pa rin mandato.

Pag-amin na lamang din niya na mababawasan pa lalo ang kanilang kita kapag nagdagdag pa ng MC taxi operators.

Ayon naman kay Atty. Boddie Pulido, legal counsel ng grupo, makakabuti kung hindi naman gagalaw ang TWG at tapusin muna ang “pilot study” sa pagbiyahe ng MC taxis.

Kailangan na matiyak ang kaligtasan ng pagbiyahe ng mga ito, may tamang polisiya, legalidad at kung ano ang idudulot sa mga naunang uri ng pampasaherong sasakyan.

Dagdag pa ni Pulido dapat ay magkaroon ng batas mula sa Kongreso para sa operasyon ng MC taxis.

 

TAGS: dotr, ltfrb, Motorcycle Taxi, uv express, dotr, ltfrb, Motorcycle Taxi, uv express

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.