Economic zones sa mga lupa ng BuCor, pagtitibayin ng MOA
Papasok sa isang memorandum of agreement (MOA) ang Bureau of Corrections (BuCor) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) para sa pagpapatayo ng “economic zones” sa bahagi ng mga lupain na pag-aari ng kawanihan.
Si BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang at PEZA Dir. Gen. Tereso Panga ang mga pipirma sa kasunduan.
Paliwanag ni Catapang, alinsunod sa RA 10575 o ang Bureau of Corrections Act of 2013 maaring maglaan, mag-plano o magsimula ang kawanihan ng Special Economic Zones sa kanilang mga lupa para sa modenisasyon, pagtataguyod at propesiyonalismo ng ahensiya.
Sa naturang batas din nakasaad na ang mga lupa ng kawanihan ay maaring magamit para sa seguridad at ibat-ibang programa para sa kapakanan ng mga bilanggo.
Nabatid na ang MOA ay bunga ng pagkunsidera na ang BuCor ay maaring maging bahagi sa pangangalap ng Foreign Direct Investments at pagbuo ng mga oportunidad na makakapagpalago sa ekonomiya.
Pag-uusapan ng dalawang ahensiya ang mga ari-arian ng BuCor na maaring maitalagang economic zones, partikular na sa Palawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.