SP Zubiri sasagutin sulat ni Speaker Romualdez ukol sa PI

SENATE PRIB PHOTO

Inaasahan ngayon araw ay matatanggap ni House Martin Romualdez ang tugon ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa sulat nito ukol sa kontrobersyal na people’s initiative o PI.

Noong Biyernes nakumpirma ang pagpapadala ni Romualdez ng sulat kay Zubiri.

Sa pahayag ng namumuno sa Senado kabilang sa nilalaman ng sulat ang suhestiyon ni Romualdez na magkaroon ng alternatibong PI na magmumula naman sa Senado.

“There have been no discussions on this. We believe that any legitimate people’s initiative must be genuinely led by the people. The Senate still maintains that this people’s initiative, in its current form and how the signatures are being collected, is flawed and unconstitutional,” ani Zubiri.

Inamin na rin nito na ang ibinabala ng ilang senador na “constitutional crisis” ay nangyayari na.

“We hope this crisis will be averted soon. We intend to carefully study the options available to us to maintain the checks and balances enshrined in the Constitution through a bicameral legislature. We remain vigilant for our country and for our people,” sabi pa ni Zubiri.

Read more...