5 tulak ng droga, patay sa operasyon sa Quiapo, Maynila

By Isa Avendaño-Umali July 03, 2016 - 10:28 AM

QuiapoUPDATE: Patay ang limang indibidwal sa isang operasyon ng mga pulis sa Quiapo, lungsod ng Maynila kaninang umaga.

Ikinasa ng Manila Police District station 3 ang operasyon sa isang barung-barong sa Castillejos Street corner Duque de Alba Street, sa Quiapo.

Sinabi ni Chief Inspector Michael Garcia, commander ng Barbosa Police Community Precinct, matagal na nilang minamanmanan ang mga suspek na kilalang mga tulak ng droga sa Islamic center at Golden Mosque area, na tumatawid-tawid sa creek para makapag-deliver ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kya Garcia, madalas na nakakatakas ang mga suspek dahil may lagusan sa creek sa likuran ng kanilang tinutuluyan gamit ang mga bangkang-de-hila.

At sa operasyon kaninang umaga, nang pasukin ng mga pulis ang compound ay nakaabang na umano ang limang suspek na armado ng baril.

Sa kabila ng pagkasawi ng limang lalaki, wala namang nasaktan sa panig ng pulisya.

Narekober sa bahay ng mga suspek ang mga baril at bala, at nasa dalawang daang gramo ng shabu.

Nitong mga nakalipas na araw, tuloy-tuloy ang operasyon ng mga otoridad laban sa ipinagbabawal na gamot, bilang bahagi ng anti-drug campaign na Duterte Administration.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.