Dalawang Kumander ng BIFF, pinakakasuhan

July 15, 2015 - 05:13 PM

Inquirer file photo

Inirekomenda ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice na kasuhan ng murder at theft ang dalawang kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at tatlong kumander ng MILF at siyamnapu’t walong iba pa kaugnay ng operasyon sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa sulat ng joint special team ng NBI at National Prosecution Service kay Prosecutor-General Claro Arellano noong July 13, pinakakasuhan ang mga BIFF at MILF commanders at iba pa dahil sa pagkamatay ng 44 na SAF commandos, labing-walong MILF members at anim na sibilyan.

Inirekomenda rin ng team na sumailalim ang may 1o2 indibidwal sa preliminary investigation dahil sa ‘complex crime of direct assault with murder.’

Kabilang sa mga kakasuhan sina Mer Amilil, operations commander ng BIFFf; BIFF battalion commander Muslimin Gumanding Amilil; MILF battalion commander Ben Tikaw; MILF commanders Makku Tikaw at Salik Kikuk.

Pinakakasuhan din ang mga BIFF member na sina hud Lamban Abdullah alias Hud Amilil, Zaharis Kusain Amilil, Mahmod Pidtub Amilil at Noel Sinsuat Ganoy.

Ilan pang mga miyembro ng MILF at ilang ‘john doe’ o hindi pa kilalang mga suspek ang inirekomendang kasuhan ng team./ Len Montaño

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.